ANTI-TAMBAY CAMPAIGN | PAO Chief Persida Acosta, naniniwalang mga barangay official dapat ang unang tumukoy ng mga tambay sa kanilang nasasakupang lugar

Manila, Philippines – Ang mga opisyal ng barangay ang dapat kumilos sa pagtukoy sa katauhan ng mga tambay sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Public Attorneys Office Chief Atty. Persida Acosta, hindi na dapat kasi iasa sa mga pulis ang pagsita sa mga tambay.

Aniya, dapat ay nakatutok na lang ang mga pulis sa kriminalidad.


Giit pa ni Acosta, dapat ay sa barangay hall lang din dinadala ang mga inaarestong tambay.

Facebook Comments