Cagayan de Oro City – Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na ituloy pa rin ang pagkapkap sa mga tambay.
Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na hindi dapat itigil ang anti-tambay operations hanggat hindi sinasabi ng Korte Suprema na ilegal ang kanyang utos.
Ayon sa Pangulo, legal ang kanyang anti-policy dahil sa mga umiiral na lokal na ordinansa.
Paalala naman ng Pangulo sa mga pulis na huwag maniwala at huwag pansinin ang mga batikos.
Kasabay nito, pinaalalahanan rin ng Pangulo ang mga barangay captain na responsibilidad nilang tiyaking ligtas sa krimen at droga ang kanilang lugar.
Facebook Comments