ANTI-TAMBAY | Sen. Win Gatchalian, iginiit na dapat ang mga lumalabag sa batas ang hulihin at hindi ang mga tambay

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga pulis na ang mga lumalabag lang sa batas ang dapat nilang arestuhin at hindi ang mga tambay.

Ayon kay Gatchalian, ang pagtambay sa mga lansangan ay hindi naman labag sa batas.

Aniya, imbes na anti-tambay campaign ay dapat gawin nila itong anti-pasaway.


Sila dapat kasi aniya ang dapat arestuhin at pagmultahin.

Giit pa ni Gatchalian, dapat rin itong magsilbing hamon sa mga bagong talagang mga barangay official para mas paigtingin pa nila ang mga lokal na ordinansa sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments