Sumentro sa Anti-Terrorism Act at Judicial Reform ang naging usapin ng magtungo sa Korte Suprema ang Special Rapporteur na si Ms. Irene Khan ng United Nation (UN).
Sa inilabas na statement ng Supreme Court (SC), hinarap nina Chief Justice Alexander Gesmundo at iba pang mga mahistrado si Khan nang magtungo ito roon.
Binigyan ng SC si Khan ng kopya ng rules ng nasabing batas at ang naging desisyon ng Korte sa mga probisyon nito.
Tinalakay din sa pulong ang pagdedeklara ng unconstitutional sa dalawang bahagi ng probisyon ng Anti-Terrorism Act.
Kaugnay nito, naintindihan naman ni Khan ang pagkakaiba ng kalayaan sa pamamahayag at isyu ng seguridad.
Samantala, tinalakay rin nila ang mga reporma at bagong innovations na ipinatutupad ng Korte, pagdaragdag ng bilang ng mga babaeng huwes, Shari’ah Justice System at iba pang mga karapatan pantao.