Hinamon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang mga kritiko na basahin ang Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Esperon, hindi dapat ituring na Martial Law ang panukalang batas dahil protektado nito ang mga karapatang pantao.
Dapat aniyang basahin ng mga kritiko ang Section 4 ng panukala para malaman na protektado rito ang human rights at hindi kasama sa mga mananagot dito ang mga nasa likod ng kilos protesta.
Tinukoy ni Esperon na pinapanagot sa panukalang batas ang sinumang nasa kapangyarihan na mang-aabuso.
Kabilang ang United Nations at ang mga eksperto sa mga bumalangkas ng panukalang batas.
Facebook Comments