Anti-Terrorism Bill, mahalaga para hindi mapabilang ang Pilipinas sa money laundering list – BSP

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi babalik ang Pilipinas sa global money laundering watchlist kung maisasabatas ang Anti-Terrorism Bill.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, tiwala siya na hindi masasama ang bansa sa bagong “grey list” ng Financial Action Task Force (FATF).

Matatandaang inalis ang Pilipinas sa listahan noong 2013 matapos maipasa ang dalawang panukalang hinihiling ng FATF.


Kabilang dito ay ang pag-waive ng requirement para sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na abisuhan ang mga suspected money launderers na ang kanilang bank deposits ay binabantayan at ang criminalization sa pagbibigay ng pera sa mga terorista.

Para kay Diokno, para manatiling wala sa listahan ang bansa, isa sa mga requirements ay ang kontrobersyal na Anti-Terror Bill.

Sa ngayon, hinihintay na lamang na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.

Facebook Comments