Natanggap na ng opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Anti-Terrorism Bill at ito ay ipinadala na ng Presidential Legislative Liaison Office sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa impormasyon ni Senate President Tito Sotto III, pini-print na sa Malacañang ang Anti-Terrorism Bill na pirmado niya at ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Kumpiyansa si Sotto na lalagdaan ito ng Pangulo para ganap na maging batas dahil kailangan ito ng bansa bilang proteksyon laban sa terorismo.
Kapag hindi pinirmahan ng Pangulo ay awtomatiko itong magiging batas pagkalipas ng 30 araw.
Maaari naman itong mabasura kung ibi-veto ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments