Anti-terrorism bill, patuloy na pinag-aaralan ng Palace legal team ayon kay PRRD

Patuloy na pinag-aaralan ng legal team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Bill.

Nabatid na isinumite na ng Kongreso ang kopya ng panukala sa Malacañang.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na ipinasa niya ang dokumento sa kanyang legal team para ito ay mabusisi pa.

Dito ay makakatanggap siya ng rekomendasyon mula sa kanyang legal team kung aaprubahan ba o hindi ang panukalang batas.

Layunin ng panukala na palakasin ang polisiya ng gobyerno sa paglaban sa terorismo.

Ang Pangulo ay mayroong opsyon na pirmahan ito para maging batas, i-veto, walang gagawin sa loob ng 30 araw at hayaan na awtomatikong maging batas ito.

Facebook Comments