Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring ipatupad ang Anti-Terrorism Law kahit wala pang Implementing Rules and Regulations (IRR).
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, may masasandalang batas sakaling magkaroon ng ‘terror threat’ sa bansa.
Nagbabala si Año sa mga lawless elements na handa ang mga awtoridad at hindi sila mag-aatubili na ipatupad ang batas.
Pero aminado ang kalihim na kailangan pa ring bumuo ng IRR dahil nakasaad ito sa batas.
Aniya, dadaan pa ito sa approval ng Kamara at ng Senado.
Maiiwasan sana ang mga nagdaang terrorist attacks kung umiiral na sana noon ang batas.
Pagtitiyak ng DILG na hindi gagamitin ang batas para pigilan ang freedom of speech at freedom of assembly na kapwa Constitutional right.