Anti-Terrorism Law, mananatiling “unconstitutional”

Nagbabala ang Bayan Muna Partylist sa Kamara na mananatili pa ring “unconstitutional” ang Anti-Terrorism Law kahit pa lagyan ng safeguards ang Implementing Rules and Regulations (IRR) upang hindi mauwi sa pang-aabuso.

Giit ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi dapat maniwala ang publiko na ang IRR ng RA 11479 ang tugon para ayusin ang mga probisyong nakapaloob sa Human Security Act.

Sa katunayan aniya, mas lalo lamang pinalala ng IRR ang problema dahil binibigyan nito ng ilusyon ang batas para maging katanggap-tanggap sa mamamayan.


Tinukoy ni Bayan Muna Partylist Chairman Neri Colmenares ang kawalan ng kalinawan partikular na sa mga termino na ginamit sa batas na maaaring magamit laban sa mga kritiko ng pamahalaan.

Nakasaad sa Rule 4.3 (B) ng batas na maaaring mag-qualify bilang terorista ang mga gumagawa ng destabilization efforts laban sa pamahalaan na kadalasang itinuturo sa mga kritiko, aktibista at oposisyon.

Dagdag pa ng kongresista, hindi maisasaayos ng IRR ang isang batas na mula umpisa pa lang ay unconstitutional at buktot nang maituturing.

Facebook Comments