Anti-Terrorism Law, may epekto sa drug war ng gobyerno

Naniniwala si Senador Ronald Bato dela Rosa na malaki ang epekto ng Anti-Terrorism Law sa war on drugs ng pamahalaan lalo na sa Mindanao.

Diin ni dela Rosa, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), may “symbiotic relationship” ang mga drug lords at terror groups.

Paliwanag ni dela Rosa, ang drug lords ang nagbibigay ng pera sa mga teroristang grupo habang kinakanlong at pinoproteksyunan naman ng mga terror groups ang mga drug lord lalo na kapag sila ay nagigipit.


Ayon kay dela Rosa, nang ilunsad ang war on drugs noong 2016 at 2017 ay nakatanggap sila ng intelligence reports na ang mga tinutugis nilang drug lord ay tumakbo sa Lanao at kinupkop ng mga teroristang grupo tulad ng Maute at ISIS.

Binanggit din ni dela Rosa na noong Marawi siege ay maraming narecover ang mga otoridad na malalaking halaga ng salapi na pinaniniwalaang galing sa ilegal na droga.

“The Anti-Terror Act of 2020 will have an impact on our drug situation lalung-lalo na dito sa Mindanao dahil there is a symbiotic relationship bet the drug lords and the terror groups.
The drug lords feed the terror groups with drug money while the terror groups provide protection, shelter, and safe haven to these drug lords lalung-lalo na pag sila ay nagigipit.” -Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Facebook Comments