Anti-Terrorism Law, walang dagdag na kapangyarihan sa AFP

Hindi madadagdagan ang kapangyarihan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling tuluyang maging batas ang panukalang Anti-Terrorism Law.

Ito ang tiniyak ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo sa harap na rin ng mga naglabasang isyu kontra sa Duterte Administration dahil sa pagkakapasa ng panukala sa Kongreso.

Isa sa nakasaad sa panulakang batas ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng gobyerno partikular ang mga law enforcement officer na umaresto ng mga pinaghihinalaang terorista at i-hold nang matagal na panahon kahit walang warrant of arrest.


Sinabi ni Arevalo na sa ngayon, maghihintay na muna ang AFP na tuluyang maging batas ang proposed bill at magkaroon ng Implementing Rules and Regulation o IRR bago nila ito pag-aaralan para maipatupad.

Facebook Comments