Anti-terrorism simulation drill, isinagawa sa Mababang Kapulungan

Alinsunod sa deriktiba ni House Speaker Martin Romualdez ay nagsagawa ng anti-terrorism exercise sa Mababang Kapulungan na pinangunahan ni House of Representatives Sergeant-at-Arms Retired PmGen. Napoleon Taas.

Layunin ng aktibidad na matiyak ang kahandaan ng security contingent ng Kamara sa pakikipagtulungan ng law enforcement agencies at iba pang kinauukulang ahensya.

Ayon kay Taas, nais ni Speaker Romualdez na masigurong maayos ang koordinasyon ng internal security forces ng Kamara sa mga otoridad.


Binanggit ni Taas na sa ginawang drill, ay nasuri ding mabuti ang kanilang armas at communications systems na kailangan sa pagtugon sa anumang banta sa seguridad.

Kabilang sa mga lumahok sa anti-terrorism drill ay ang mga tauhan ng Legislative Security Bureau (LSB), Bureau of Fire Protection (BSP), Quezon City Police District Crowd Disturbance Management at Police Security Protection Group ng Philippine National Police (PNP), gayundin ang mga kasapi ng Joint Anti-Terror Task Force-National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga kinatawan ng private security agency na nakatalaga sa House of Representatives at mga medical personnel.

Facebook Comments