Manila, Philippines – Mas pinaigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kahandaan nila laban sa banta ng terorismo.
Ito ay matapos isagawa ang anti-terrorism simulation kahapon sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Kabilang sa mga training na ginawa ang mabilis na pagresponde sa mga hostage-taking scenario, pambobomba at iba pang krisis.
Bagamat naging matagumpay ang naging pagsasanay, napansin ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na hindi napigilan ng mga pulis ang ilan sa mga media personnel na makalapit sa lugar ng kanilang training.
Siniguro naman ni Albayalde na isa na ito sa magiging hakbang para mas mapalakas ang pwersa ng PNP kontra terorismo.
Facebook Comments