Sa patuloy na epekto ng paggamit ng vape sa katawan at kalusugan ng isang tao ay patuloy ang pagbibigay diin ng Department of Health sa pag-iwas na paggamit nito lalo na para sa mga murang edad.
Sa Ilocos Region, isinusulong ng kagawaran ang Anti-vaping para sa mga estudyante sa pamamagitan ng koordinasyon sa Commission on Higher Education – Region 1, Department of Education – Region 1 at Philippine College of Chest Physicians Northwestern Luzon Chapter.
Sa pamamagitan nito ay dapat maitulak pa ang pinaigting ng pagbibigay ng kaalaman sa mga estudyante lalo sa usaping kalusugan upang magkaroon ang mga ito ng kamalayan sa bantang naidudulot ng paninigarilyo at vape.
Pinagtibay ang kolaborasyon na ito sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.
Magpapatuloy naman ang mga inisyatibo ng DOH para tuluyan na maging vape at tobacco-free ang mga paaralan sa bansa sa pakikipagtulungan rin ng mga ahensya ng gobyerno, mamamayan at ng mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









