Bigo ang antigen pilot testing sa Baguio City matapos hindi pumasa sa pamantayan ng Department of Health (DOH).
Dahil dito, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesman Retired Major General Restituto Padilla, patuloy na humahanap ang gobyerno ng iba pang testing measures para sa COVID-19.
Aniya, mahigit kalahati ng resulta ng antigen testing ay compatible sa resulta ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR test) pero ang kinakailangang parameter batay sa DOH ay dapat maging 85% compatible ito.
Giit naman ni Padilla, tinututukan nila ang saliva o breath tests para sa COVID-19 bukod pa sa RT-PCR.
Makakatulong aniya sa pagbawi ng ekonomiya kabilang ang industriya ng turismo kung ang mga test ay makapagpapalabas ng resulta sa mas maikling panahon.