Antigen saliva test, target na rin sa pagtukoy ng mga positibo sa COVID-19

Susubukan na rin ng Project Arc sa mga susunod na panahon ang Antigen saliva test para malaman kung positibo o negatibo sa COVID-19 ang isang indibidwal.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dra. Minguita Padilla na target nilang makakuha na ng kit para sa Antigen saliva testing at umaasang maipapasok ito sa bansa sa pamamagitan ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Dra. Padilla, maituturing na game changer ang Antigen saliva test dahil mas madali itong gawin at mas mabilis makita ang resulta.


Hindi aniya titigil ang Project Arc sa paghahanap ng iba pang mga paraan ng pag-testing upang mas marami pang mga Pilipino ang maisalang sa test sa pinakamabilis na panahon.

Facebook Comments