Muling nagsagawa ang pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ng Antigen testing para sa lahat ng mga empleyado nito matapos ang Election day upang matiyak at mapanatili ang kaligtasan ng mga empleyado laban COVID-19.
Ayon sa MRT-3 ang aktibidad ay bahagi ng health and safety protocols upang mapanatili ang zero case ng COVID-19 sa mga empleyado nito sa depot at sa mainline.
Paliwanag ng MRT-3 ang naturang hakbang ay para naman maiwasan ang pagkalat ng sakit, nagpapatuloy ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa telepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren.
Dagdag pa ng MRT-3 na mahigpit ding ipinatutupad ang pagsuot ng face mask habang boluntaryo naman ang pagsuot ng face shield sa loob ng tren.