Nanindigan ang Department of Health (DOH) na walang sapat na ebidensya para irekomenda ang paggamit ng antiparasitic drug na ivermectin bilang gamot laban sa COVID-19.
Ito ay sa harap ng mga ulat na ginagamit na ang nasabing gamot bilang lunas sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinisilip na nila ang mga pag-aaral mula sa Bangladesh at Dakha sa India.
Paglilinaw ni Vergeire na wala pang nag-a-apply para sa compassionate use o clinical trial ng ivermectin sa Pilipinas.
Sa ngayon, ang ivermectin ay ginagamit lamang sa Pilipinas bilang gamot sa lymphatic filariasis na nagdudulot ng elephantiasis.
Facebook Comments