Pormal nang idineklara bilang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas ang Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City.
Pinangunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines na si Archbishop Charles Brown ang banal na misa na dinaluhan ng mahigit 80 obispo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bago niyan, nagdaos ng prusisyon ng imahe ng Birhen ng Antipolo kaninang alas-8:00 ng umaga at sinundan ng rite of coronation ng imahe bandang alas-9:30 ng umaga.
Noong June 2022 nang aprubahan ng Vatican ang petisyon para itaas bilang international shrine ang katedral na kauna-unahan din sa Southeast Asia at ika-11 sa buong mundo.
Facebook Comments