Antipolo City Government, magsasagawa ng training para sa mga health workers sa Ynares Center Events

Inihayag ng pamunuan ng Antipolo City Government na magsasagawa sila ng mga pagsasanay upang matulungan ang mga Health Workers kung papaano maprotektahan nila ang kani-kanilang mga sarili sa pagharap nila sa kanilang tungkulin bilang frontliners na mapangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan ng Antipolo.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares malaking tulong para sa mga Health workers ang gagawin nilang Training sa Ynares Center Events upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman sa paghawak ng mga pasyenteng hinihinalaang may taglay na nakamamatay na virus.

Paliwanag ng alkalde dapat bigyan ng atensyon ang mga Health workers at mga Frontliners dahil marami ng mga Doktors at Nurses ang nangamamatay dahil sa hindi inaasahang pangyayari na nakakasalamuha nila ang mga tao na positibo sa COVID-19.


Naniniwala si Mayor Ynares na malaking kapakinabangan ang naturang pagsasanay upang magamit nila sa kanilang pakikipaglaban sa hindi nakikitang kalaban at nakamamatay na virus

Facebook Comments