Antipolo City Government, muling binuksan online COVID-19 vaccine registration

Inihayag ng Antipolo City Government na habang inaantay nila ang karagdagang bakuna mula sa Department of Health (DOH) ay muling binuksan nila ang online COVID-19 vaccine registration.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares na tanging ang mga medical frontliners, senior citizens at mga matatanda na may comorbidities ang prayoridad sa pagpababakuna laban sa COVID-19 dahil sa kakulangan ng mga bakuna.

Paliwanag ni Mayor Ynares kung hindi pa nakatatanggap ang mga residente ng text confirmation, ito umano ay dahilan sa kawalan ng bakuna ibig sabihin aniya sakaling nakapagparehistro ka na sa mahabang panahon at kapag walang delivery ng bakuna at wala pa silang natatanggap na text na wala pang bakuna na ipapalit.


Dagdag pa ng alkalde sa lahat ng mga nakapag parehistro na noon at lumagda hindi umano kailangan pang magparehistro muli.

Pumalo na kasi sa 7,083 kabuuan ang mga kaso ng COVID-19 kabilang nag 314 active cases, kung saan umaabot sa 6,611 ang gumaling o nakarekober habang 158 naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments