Antipolo City, kinansela ang lahat ng mass gathering sa lungsod

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Antipolo City government na kinakansela nila ang lahat ng mga aktibidad o mass gatherings gaya ng pagkansela noong nakaraang taon.

Base sa advisory ng Antipolo LGU (Local Government Unit) ipinaalam nila sa lahat ng mga residente ng lungsod na hindi pa umano nawawala ang banta ng COVID-19 sa komunidad kaya’t kinakansela ang mga Cityhood Anniversary celebration, Alay Lakad, Maytime Festival at iba pang Lenten Season Activities.

Paliwanag ng Antipolo LGU, maaari naman umanong maipakita ang kanilang pakikiisa at pananampalataya sa pamamagitan ng pagdalo sa mga virtual o online activities para maiwasan na mahawaan ng nakamamatay na sakit.


Humihingi naman ng pang-unawa ang LGU sa lahat ng mga residente.

Facebook Comments