Antipolo City, Rizal, nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

Nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19 sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Mayor Andrea Ynares, ang pasyente ay isang 60-anyos na lalaki at nakatira sa Barangay Mambugan.

Unang nakitaan ng pulmonary infection ang pasyente nang magpatingin ito sa doktor noong March 9.


Ayon kay Ynares, walang dapat ikabahala ang kanyang constituents dahil bumubuti na ang kondisyon ng pasyente.

Hindi naman nakitaan ng sintomas ng sakit ang iba pang miyembro ng pamilya nito at wala rin naman silang travel history abroad.

Tanging sa City of Dreams lang nagpunta ang pamilya noong February 27 hanggang 28.

Samantala, tiniyak din ng alkalde na sumusunod sila sa mga protocol ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments