Posibleng aprubahan na ang antiviral drug na Remdesivir ng Gilead Sciences Inc’s bilang gamot sa mga pasyente ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Japanese Health Minister Katsunobu Kato matapos bigyan ng authorization ng United States Food and Drug Administration for COVID-19 ng emergency use ang Gilead para gumawa ng nasabing gamot.
Sakaling tuluyan na itong maaprubahan ay unang gagamitin ang mga ito sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon dahil sa sakit mula sa virus.
Samantala, pinaplano rin ngayon ng French drug making company na Sanofi na makipag tulungan sa ilan pang kumpanyang gumagawa ng gamot upang makalikha naman ng bakuna para makaiwas sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa higit 100 na bakuna ang dine-develop ng iba’t ibang kumpanya at 10 na rito ang umabot na sa clinical testing stage para makagamot sa virus na tumama sa higit 3.5 milyong katao sa buong mundo.