Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nakatakda nang dumating ngayong linggo ang antivirus software na kanilang binili.
Kasunod ito ng Medusa ransomware attack na nangyari sa datebase ng PhilHealth.
Nanindigan naman si PhilHealth President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., na hindi sila bibigay sa hirit na ₱17 nmillion na ransom na hinihingi ng hackers.
Tiniyak naman ni PhilHealth Acting Senior Vice President Nerissa Santiago na naabisuhan na nila ang kanilang mga empleyado na naapektuhan ng pag-leak ng personal data ng Medusa hackers.
Tinatayang 600 hanggang 800 PhilHealth employees ang naapektuhan ng ransomware attack.
Facebook Comments