Sumailalim sa emergency surgery si Antoinette Taus matapos magtamo ng matindi at malalalim ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan dahil sa kagat ng isang “chow-chow”, isang breed na aso, noong nakaraan Sabado ng gabi, sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa post sa social media ng aktres dumalo siya sa isang kasal ng kanyang pamilya nang bigla na lamang siyang atakihin ng “chow-chow” na nagresulta ng mga sugat sa kanyang kaliwang braso, kaliwang hita at kanang dibdib.
Kinailangan tahiin ang sugat sa kanyang kaliwang braso na tumagal ng dalawang oras.
Sabi ni Antoinette, maswerte siya at walang permanent damage o kaya tinamaan na arteries at nerves at ngayon ay nagpapagaling na siya.
Labis ang pasasalamat ng aktres sa mga doktor at nurse na nag-asikaso sa kanya.