Nanlalagkit sa sobrang init? Ligo lang ang katapat niyan!
Pero sa sobrang init ngayong tag-init, hindi sapat ang ligo lang sa shower ng banyo, kundi dapat something more refreshing.
Kaya halina’t mag unlimited nature shower sa Antong Falls ng Sison, Pangasinan!
Matatagpuan sa Inmalog sa bayan ng Sison, ang Antong Falls ay isa sa mga dinarayong nature tourist spot tuwing tag-init, lalo na ngayong darating na Semana Santa.
Sa kaniyang 9-layer waterfalls ay talaga namang mai-enjoy ng mga turista ang malinaw at malamig na tubig nito.
Karamihan sa falls nito ay maiksi lamang na may sukat na one to six meters at ang pinakamataas nito ay tinatayang nasa 20 meters ang taas.
Maliban naman sa mismong waterfalls ay ang tahimik nitong kapaligiran, sariwang hangin, at naglalakihang puno ang ilan pa sa mga dahilan kung bakit patuloy na dinarayo ang lugar.
Kaya para sa mga nature lovers diyan, isama na sa inyong summer destination ang Anto Falls! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








