Anumang desisyon ng PDEA sa pagbibigay ng listahan ng mga high value target kay VP Leni Robredo suportado ng PNP

337

Susuportahan ng Philippine National Police o PNP ang anumang maging desisyon ng PDEA sa pagbibigay ng listahan ng mga High Value Target kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Commitee on Anti-Illegal Drugs o ICAD

Para kay PNP Officer in Charge Lt Gen Archie Gamboa hindi na mahalaga na malaman pa ni Vice President Robredo ang mga nasa listahan ng high value target.


Mas maigi aniyang sa rehabilitation advocacy ituon ni Robredo ang kanyang atensyon.

At hayaan na nito sa PNP, PDEA at National Bureau of Investigation sa law enforcement ng Drug war.

Sa huli sinabi ni Gamboa na ipapaubaya na nila lahat ang desisyon sa PDEA bilang lead agency sa war on drugs ng pamahalaan.

Una nang nag alangan ang PDEA na ibigay sa pangalawang Pangulo ang listahan ng mga high value target at sa huli ay sinabing ipapakita ito sa Vice President sa isang close door meeting.

Facebook Comments

From Advertisers