Anunsyo ng CPP na walang tigil putukan sa pagitan ng militar, hindi na mahalaga ayon sa AFP

Hindi na importante kung nagdeklara man ng holiday ceasefire o hindi ang Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo matapos ang anunsyo ng CPP na hindi rin sila magpapatupad ng tigil putukan ngayong holiday season.

Ayon kay Arevalo, kahit naman magpatupad ng ceasefire ang CPP ay nilalabag din nila ito.


Napatunayan na raw nila ito sa mga nakalipas na taon.

Giit ni Arevalo hindi na kailanman dapat na pagkatiwalaan ang mga pahayag ng CPP dahil patuloy lamang ang kanilang ginagawang paglabag at panggugulo.

Facebook Comments