Anunsyo ng DOJ na pagbabalik sa bansa ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., ‘fake news’ ayon sa abogado

Tinawag ni Atty. Ferdinand Topacio na ‘fake news’ ang inanunsyo ni Justice Secretary Crispin Remulla na babalik ngayong araw sa Pilipinas si suspended Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Topacio, hindi man lamang muna siya kinausap ng Department of Justice (DOJ) bago nag-anunsyo kahapon.

Sa kabila nito, nananatili namang nakaalerto ang Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).


Una nang inanunsyo ni Remulla na nakuha niya ang impormasyon mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source na may access sa flight o nasa airline industry.

Facebook Comments