
Hintayin ang opisyal na anunsyo.
Ito ang tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin kaugnay sa alingasngas na posibleng palitan siya ngayong araw ni Finance Secretary Ralph Recto bilang Executive Secretary.
Nauna nang itinanggi ni Bersamin kagabi ang kumalat na ulat na magbibitiw umano siya sa pwesto.
Wala umanong katotohanan ang mga espekulasyon at hindi raw ito magiging totoo hangga’t wala namang aktwal na nangyayari.
Itinanggi na rin Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang spekulasyon sa senado kaninang tanghali, dahil mananatili umano siyang Finance secretary.
Facebook Comments









