
Inamin ni Palace Press Officer Claire Castro na galing sa Malacañang ang inilabas niyang anunsyo kaugnay sa umano’y pagbibitiw ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin dahil sa delicadeza.
Ayon kay Castro, hindi niya ito personal na interpretasyon kundi batay sa impormasyon at direksyong ibinaba ng Palasyo.
Bahagi rin aniya ito ng reorganization na isinasagawa sa administrasyon para matiyak na maayos at tuloy-tuloy ang takbo ng pamahalaan sa gitna ng mga pagbabago.
Itinanggi naman ni Castro na may nagaganap na biglaan o hindi maayos na pagtanggal sa mga opisyal ng administrasyon.
Normal aniya ang mga pagbabago sa liderato dahil lahat ng opisyal ng ehekutibo ay nagsisilbi batay sa kagustuhan ng presidente.
Karaniwan na ring pananaw sa ehekutibo na anumang araw ay maaaring maging huling araw sa tungkulin, kaya’t inaasahang handa ang bawat opisyal sa mga reorganisasyong tulad nito.









