AOB ON BENGUET MPECs

MAGANDA ANG NAGING BUNGAD NG TAONG 2022 PARA SA DALAWANG BAYAN SA BENGUET.

ITO’Y MAKARAANG MAKATANGGAP ANG MGA ITO NG ISANDAANG MILYONG PISONG PONDO MULA SA PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION O PAGCOR PARA SA PAGPAPATAYO NG MULTI-PURPOSE EVACUATION CENTERS.

PINAKABAGONG BENEPISYARYO NG MPEC PROJECT NG PAGCOR ANG MGA BAYAN BUGUIAS AT MANKAYAN, NA KAPWA PINAGKALOOBAN NG TIG-DALAWAMPU’T LIMANG MILYONG PISO SA ISINAGAWANG GROUNDBREAKING NG MGA NATURANG PROYEKTO KAMAKAILAN.


AYON KAY PAGCOR CHAIRMAN AND CEO ANDREA DOMINGO, SA PAMAMAGITAN NG MPEC PROJECT AY NAISASAKATUPARAN NG AHENSYA ANG HANGARIN NITONG MABIGYAN NG LIGTAS NA MASISILUNGAN ANG MGA RESIDENTE NG MGA LUGAR NA PALAGING TINATAMAAN NG IBA’T IBANG KALAMIDAD.

SAPUL NANG SIMULAN ANG PROYEKTO NOONG 2020, ANG PAGCOR AY NAKAPAGKALOOB NA NG 1.516 BILLION PESOS NA PARA MASIMULAN ANG KONSTRUKSYON NG ANIMNAPU’T ANIM NA MPECs SA BUONG BANSA.

SAMANTALA, MALIBAN SA MPEC GROUNDBREAKING SA BENGUET, PORMAL NA RING NAPASIMULAN NG PAGCOR ANG PAGPAPATAYO NG BARANGAY HALL MULTI-PURPOSE COMPLEXES SA ENGINEER’S HILL AT BAYAN PARK VILLAGE SA BAGUIO CITY.

KAPWA NAKATANGGAP NG TIG-DALAWAMPU’T LIMANG MILYONG PISO ANG DALAWANG LUGAR MULA SA AHENSYA SA PAMAMAGITAN NG BAGUIO CITY GOVERNMENT.

Facebook Comments