AOB ON P34.64M GRANT TO HOST CITIES

Inaprubahan kamakailan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P34.64 million pesos financial aid para sa mga lungsod at Local Government Units na kinaroonan ng ilang casino Filipino branches.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, ang nasabing halaga ay naglalayong tulungan ang mga host cities na maibsan ang epekto ng pandemya sa lokal na ekonomiya.

Sa kasagsagan ng mahigpit na lockdowns noong april 2020, napilitan ang ahensya na pansamantalang itigil ang pamamahagi ng host cities share dahil sa pagkalugi bunsod ng suspensyon sa gaming operations nito.


Mula 2016 hanggang March 2020, ang PAGCOR ay nakapagkaloob na ng mahigit 1.93 billion pesos sa mga lungsod na may mga sangay ng casino Filipino.

Ito’y kinabibilangan ng mga Local Government Units ng Manila, Pasay, Angeles City, Olongapo, Tagaytay, Cavite, Cebu, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bacolod, Negros Occidental, Iloilo, Laoag City, Ilocos Norte at Davao.

Facebook Comments