MULING UMANI NG PAPURI ANG PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION O PAGCOR KAUGNAY NG MABILIS AT EPEKTIBO NITONG PAGTUGON SA MGA PANGANGAILANGAN NG PUBLIKO.
SA 2020 CORPORATE GOVERNANCE SCORECARD NG GOVERNANCE COMMISSION FOR GOVERNMENT-OWNED OR CONTROLLED CORPORATION O GCG, EXCELLENT RATING ANG IPINAGKALOOB NITO SA PAGCOR.
INIHAYAG NG GCG SA KANILANG SCORECARD VALIDATION REPORT NA ANG PAGCOR AY MAY MALINAW AT MATIBAY NA LINYA NG KOMUNIKASYON KAYA’T MAAGAP ITONG NAKATUTUGON SA CUSTOMER REQUIREMENTS AT PUBLIC NEEDS TUNGO SA DE-KALIDAD NA SERBISYO.
PINAHALAGAHAN DIN NG GCG ANG CORPORATE SOCIAL REPONSIBILITY PROGRAMS NG AHENSYA NA NAKAANGKLA SA MISYON NITO BILANG KATUWANG NG PAMAHALAAN SA PAGTATAGUYOD NG BANSA.
AYON KAY PAGCOR CHAIRMAN AND CEO ANDREA DOMINGO, ANG NATAMONG EXCELLENT RATING NG AHENSYA SA 2020 CGS ASSESSMENT AY NAGPAPATUNAY LAMANG NG HUSAY AT TATAG NG BAWAT MANGGAGAWA NG PAGCOR SA GITNA NG MGA PAGSUBOK NA HATID NG PANDEMYA.