Saturday, January 31, 2026

APAT, ARESTADO DAHIL SA KASONG DIRECT ASSAULT

Apat na indibidwal ang naaresto ng Calasiao Police Station matapos maisilbi ang mga warrant of arrest laban sa kanila kaugnay ng kasong Direct Assault.

Ayon sa pulisya, matagumpay na naisagawa ang operasyon ngayong ika-6 ng Enero, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga paglabag sa batas at sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.

Tiniyak ng pamunuan ng Calasiao PNP na patas at walang kinikilingan ang pagpapatupad ng batas, at patuloy silang magsasagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Hinikayat naman ang mga mamamayan na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad ireport ang anumang insidenteng maaaring magbanta sa kapayapaan at seguridad ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments