Apat, arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City

Kalaboso ang apat na indibidwal kabilang ang isang babaeng saleslady sa ikinasang drug buy-bust operation sa P. Manahan St., Brgy. 30 Zone 5, Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Romulo Roldan, Jerome Roldan at Jeffrey Santos, pawang mga walang trabaho, at ang saleslady na si Joanne Crystel Toga.

Nabatid na target ng operasyon si Romulo na kabilang sa drug watchlist ng pulisya kung saan ilang linggo rin itong isinailalim sa surveillance bago inihanda ang plano.


Nakuha sa kanila ang ilang mga drug paraphernalia at walong sachet ng shabu na may bigat ng halos tatlong gramo na nagkakahalaga ng halos ₱20,000.

Aminado ang tatlong lalaki na gumagamit at nagbebenta ng shabu habang itinanggi naman ng saleslady na kasama siya sa mga transaksyon ng tatlo saka sinabing dumaan lamang siya para makagamit ng ilegal na droga.

Facebook Comments