Apat hanggang pitong milyong botante, inaasahang magpaparehistro para sa 2022 elections – COMELEC

Inaasahan na ng Commission on Elections (COMELEC) na tinatayang aabot sa apat hanggang pitong milyong botante ang inaasahang magpaparehistro para sa nalalapit na May 2022 national at local elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mahabang suspensyon ng voters’ registration ay bunga ng pandemya.

Aniya, nawalan sila ng apat na buwang registration dahil kailangan nilang ihinto ang operasyon ng kanilang tanggapan mula nang magsimula ang quarantine kaya naghahabol sila.


Batay sa kanilang pagtaya, nasa apat na milyong magpaparehistro ay mga batang botante o nasa 18-anyos.

Nabatid noong May 2019 midterm elections, mula sa 61,843,771 registered voters sa bansa, nasa 22,083,529 ay kabilang sa youth sector.

Sa September 1, itutuloy ng Comelec ang voters’ registration maliban sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ.

Ang Comelec Offices ay tatanggap ng mga aplikante mula Martes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments