Apat katao, arestado matapos maaktuhang bumabatak ng iligal na droga sa Pasay city

1Kalaboso ang apat katao matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina James dela cruz, Jhonmer Ramos, Wilfredo Manahan at Amalia de Asis.

Sa report ng Pasay City Police, target ng kanilang operasyon si Dela Cruz matapos silang makatanggap ng sumbong ukol sa iligal na aktibidad ng suspek.


Nang ikasa ang buy bust operation, naaktuhan pa ang mga kasama ni Dela Cruz na bumabatak ng iligal na droga.

Nakumpiska mula sa mga ito ang apat na sachet ng hininalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P24,000 at drug paraphernalia.

Mahaharap ang apat na suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments