Apat katao arestado sa illegal drugs sa bayan ng Carmen North Cotabato

Apat katao na sinasabing miembro ng local drug group ang nahuli ng mga otoridad sa inilatag na military checkpoint sa Barangay Gen. Luna, sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon kay Director Juvenal Azurin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA -ARMM nahuli ang apat dakong alas 4:00 ng hapon kamakalawa ng pinagsanib na pwersa ng anti-narcotics agents ng PDEA ARMM at PDEA- 12 kasama ang mga elemento ng 602nd Infantry Brigade.
Kinilala ang mga naaresto na sina Alfaisal Ambalgan Amiril alias “Pai,” Rasol Katog Karim, Sandato Andal Madsay alias “Loy” at Basco Asib Madsay pawang kasapi ng Local Drug Group na nag ooperate sa Cotabato City, Maguindanao at North Cotabato.
Ayon sa report ipupuslit sana ng mga suspek ang nasa isang daang libong pisong halaga ng shabu habang sakay ng Ford Ranger na kulay itim ng silay maharang sa check point .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments