Apat katao, arestado sa magkahiwalat na buy bust operation sa Marikina City

Arestado ang apat na katao sa ikinasang magkahiwalay na buy bust operation sa Marikina City.

Sa nakalap na impormasyon ng DZXL RMN Manila, unang naaresto ang pusher na siĀ  Jesus Cristobal kung saan nakuha sa kaniya anv tatlong sachet ng shabu na may market value ng higit sa labing apat na libong piso at marked money na limang daang pisoĀ  sa Summer Homes Subdivision sa Barangay Concepcion Uno.

Sunod na nadakip ang tatlong iba pa na sina Zosimo Velasco, Ricardo Cleofas at user na si Renier Santos sa Camia Street, Barangay Malanday.


Siyam na sachet ng shabu ang nakuha sa kanilang tatlo kasama na ang P500. 00 na buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina PNP Detention Cell ang apat at inaalam na kung sino ang kanilang supplier ng iligal na droga.

 

 

 

Facebook Comments