APAT KATAO BISTADO SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL SA BALAOAN, LA UNION

Apat na indibidwal ang nahuli ng Balaoan Municipal Police Station matapos maaktuhan sa ilegal na pagsusugal sa Barangay Balaoan, La Union kahapon, Disyembre 10.

Sa ulat ng pulisya, nasabat ang grupo habang naglalaro ng number games na mahjong sa isinagawang anti-illegal gambling operation.

Kinilala ang mga nahuli bilang isang 48-anyos na security guard, 35-anyos na magsasaka, 66-anyos na lalaki, at 35-anyos na housewife, pawang mga residente ng Balaoan.

Nakumpiska sa lugar ang isang set ng mahjong at P585 na bet money na may iba’t-ibang denominasyon.

Agad na inisyuhan ng citation ticket ang mga lumabag, habang dinala naman sa Balaoan MPS ang mga nakuhang ebidensya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments