Inihahanda na ng Navotas Police ang pagsasampa ng patong patong na kaso laban sa apat katao na naaresto sa isinagawang police operation kagabi.
Kasong paglabag sa section 32 o pagbebenta ng mga bala ng baril, omnibus Election Code of the Philippines at paglabag sa Republic Act 9165 o illegal drugs laban sanmga nahuling suspects na sina
Eduardo Onde 35 taong gulang , Ronald Salo 31 ,pawang mga residente ng Barangay NBBN, Navotas City. Isang wilson 17 taong gulang at Joana Mae Guevarra 24 taong gulang ng 147 Governor Pascual Street Sipac Almasen, Navotas City.
Sa isinagawang operasyon kagabi ng mga pinagsanib na miyembro ng NPD-District Support Operations Unit at Navotas City Police Station tinangkang bumili ng mga otoridad ng mga bala ng baril sa mga suspect sa napagkasunduang lugar sa Market 3 Barangay NBBN, Navotas City.
Agad silang hinuli sa aktong iniaabot ang 30 piraso ng caliber .40 live ammunitions na nagkakahalaga ng P1,200 at nakakuha din ng limang piraso sachet na naglalaman ng shabu.