APAT KATAO NA LUMABAG SA ELECTION GUN BAN, NASAKOTE SA DAGUPAN CITY

Himas rehas ngayon ang apat na kalalakihan na naaktuhang gumagamit ng baril sa Dagupan City.
Ayon sa pulisya, isinangguni umano ng isang residente na malapit sa Dagupan Golf Course, Brgy. Bonuan Binloc ang pagpapaputok ng mga suspek.
Ayon sa salaysay nito, ilang mga airsoft pellets ang tumama sa kanilang bahay.
Agad na rumesponde ang Dagupan City PNP at hinanapan ng kaukulang dokumento ang mga ito ngunit walang maipakita.
Nakumpiska ang ilan pa tulad ng glock 17 airsoft pistol, combat master airsoft pistol at MP5 airsoft rifle.
Nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments