Apat katao patay sa road accident sa bayan ng Makilala North Cotabato

Apat katao ang patay sa nangyaring road accident sa bahagi ng Sitio Patulangon sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato kaninang pasado alas diyes ng umaga.
Batay sa inisyal na report ay inararo ng Ten wheeler truck ang tatlong motorsiklo na nasa kanyang harapan galing umano ng Davao City patungo ng Cotabato City ng mawalan ng preno.
Sa lakas ng pagkakabangga ay naipit ang apat katao at pumailalim sa truck.
Kinilala ang 3 sa apat na mga biktima na sina Jojo Duhilag, Babes Aguanun at Edgar Tahal.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments