APAT KATAO, SINAKSAK NG ISANG LALAKI SA MANGATAREM DAHIL UMANO SA SOBRANG INGAY AT PAMAMATO NG KANYANG BAHAY

Sugatan sa pananaksak ang apat na magkakaibigan habang nagkakasiyahan sa Brgy. Maravilla, Mangatarem, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, kinompronta ng suspek ang mga biktima dahil sa umano’y pagiging maingay habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay.

Tinanong din umano ng suspek ang mga biktima kung sino ang namamato sa kanyang bahay na nauwi sa sagutan.

Umuwi pa umano ang biktima at bumalik na may dalang patalim saka pinagsasaksak ang mga biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nasaktuhan naman ng mga saksi ang mga pulis na nagpapatrolya, dahilan upang agad na maaresto ang suspek at marekober ang patalim ng ginamit sa insidente.

Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments