Sugatan ang apat na katao na sakay ng kulong-kulong matapos mabiktima ng hit and run sa kahabaan ng highway sa Brgy. San Nicolas, Villasis, Pangasinan.
Ayon sa driver, nawalan ito ng kontrol sa minamanehong sasakyan at dumiretso sa gilid ng kalsada matapos umano itong banggain sa likuran ng kasunurang kotse.
Tumakas din umano ang sasakyang nakabangga sa kanila.
Naitkabo sa pagamutan ang mga biktima habang wasak naman ang kulong-kulong na nasa kustodiya ng kapulisan para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









