APAT KATAO, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT TRICYCLE SA SAN MANUEL

Sugatan ang lahat ng sakay ng isang tricycle at motorsiklo matapos magbanggaan sa kahabaan ng San Manuel–Binalonan Road sa Barangay Guiset Sur.

Batay sa imbestigasyon ,sa gitna ng pagliko pakaliwa ng tricycle, bigla itong nabangga mula sa likuran ng sumusunod na motorsiklo na minamaneho ng isang estudyante.

Sugatan sa insidente ang babaeng driver ng tricycle at sakay na dalawang estudyante kabilang ang backride ng motorsiklo.

Agad silang dinala sa Rural Health Unit (RHU) ng San Manuel ang mga biktima para sa medikal na atensyon.

Patuloy na nananawagan ang mga awtoridad sa mga motorista na maging mas maingat lalo na sa gabi, kung kailan mas mataas ang panganib ng mga ganitong uri ng aksidente.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments