Sugatan ang apat na katao matapos ang aksidenteng naganap sa kahabaan ng bypass road sa Brgy. Dupac, Asingan, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nabunggo ng isang SUV ang tricycle na sinasakyan ng tatlong biktima, dahilan upang bumulusok ang mga ito sa isang siklista na nasa gilid ng daan.
Sugatan ang mga biktima at napinsala rin ang kani-kanilang sasakyan dahil sa insidente.
Tinutukoy pa ng awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian, at ang posibleng pananagutan ng bawat partido sa insidente.
Facebook Comments







